Mga Post

Tanging Yaman

Imahe
Tanging Yaman ni Jonathan Dayrit May hihigit pa ba sa inyong dalawa Aking mahal na ama at ina Lahat nang buti ay naroon sa puso Buhay man ay handang ialay nyo Ang tula na ito ay alay ko sa inyo Ito'y galing sa puso at isipan ko Kayo'y naiiba dito sa mundo Ang may pusong wagas ganyan ang tulad nyo Mahal kong ama at ina Kung kayo ay tumanda na Iintindihin ko kayo hanggang sa aking huling hininga Gaya ng pag-intindi nyo noong ako'y bata pa Pangarap ko humaba pa ang buhay nyo Upang masuklian ang inyong sinakripisyo At maibigay lahat ng gusto nyo Dahil gusto ko na mapaligaya kayo Sa hirap ng ating buhay Edukasyon inyong ipinamalas Upang makaalpas Sa hirap na ating dinaranas Mahal ko kayo yan ang nasa puso ko Kahit minsan nasusuway ko kayo Pero ito ang tandaan nyo Pagmamahal ko ay hindi magbabago Aking mga mahal na magulang Nararapat kayo'y gantimpalaan Sa mga gintong aral ninyong...