Tanging Yaman
Tanging Yaman
ni Jonathan Dayrit
May hihigit pa ba sa inyong dalawa
Aking mahal na ama at ina
Lahat nang buti ay naroon sa puso
Buhay man ay handang ialay nyo
Ang tula na ito ay alay ko sa inyo
Ito'y galing sa puso at isipan ko
Kayo'y naiiba dito sa mundo
Ang may pusong wagas ganyan ang tulad nyo
Mahal kong ama at ina
Kung kayo ay tumanda na
Iintindihin ko kayo hanggang sa aking huling hininga
Gaya ng pag-intindi nyo noong ako'y bata pa
Pangarap ko humaba pa ang buhay nyo
Upang masuklian ang inyong sinakripisyo
At maibigay lahat ng gusto nyo
Dahil gusto ko na mapaligaya kayo
Sa hirap ng ating buhay
Edukasyon inyong ipinamalas
Upang makaalpas
Sa hirap na ating dinaranas
Mahal ko kayo yan ang nasa puso ko
Kahit minsan nasusuway ko kayo
Pero ito ang tandaan nyo
Pagmamahal ko ay hindi magbabago
Aking mga mahal na magulang
Nararapat kayo'y gantimpalaan
Sa mga gintong aral ninyong ibinigay
Na nagpabago ng aming buhay
Lahat ibibigay lahat gagawin nyo
Ganyan lagi kayo sa anak nyo
Walang ama at inang matitiis ang isang anak
Kayo'y dakila at higit kayo sa lahat
Ang iyong anak
Ay nagagalak
Dahil sa puso ninyong busilak
Tulad ng bulaklak na mahalimuyak
Dumating man ang araw ng inyong paglisan
Hindi ko kayo kakalimutan
Sapagkat kayo'y nasa aking puso't isipan
Ngayon , bukas at magpakailanman.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento